Sunday, August 10, 2014

Adik ba tawag dun?

Simula nung naka-graduate ako ng college, unti-unti akong nawalan ng mga IDs

pero masaya din kasi unti-unti naman akong nakakaroon ng mga IDs like government IDs and my fave ATM cards hahha.. ewan ko ba natutuwa ako sa sarili ko pag nakkita yung mga IDs and Cards ko grabe baliw ata ako eh? hahhaha



Saturday, August 9, 2014

Single as a SAD_Loner :( ? I dont think so :)

Im a certified NBSB (No Boyfriend Since Birth)..

Nung stud days ko, hindi naman ako masyadong nakakaramdam ng pag-iisa kasi may mga friends ako at nandiyan din ang pamilya ko.

At nung lumalaki ako, medyo nakakaramdam na ako ng sadness siguro..

I feel alone... kapag nasa lakaran with friends together with their love-team partners hahha

pag nandiyan naman sina VALENTINES and CHRISTMAS

AND lastly kapag wala kang makausap ni isa man lang sa kanila at kahit kasama ko ang pamilya ko hindi naman ako maka-share kasi mang-aasar lang sila tapos pangangaralan ka pa na "ang dami-daming problema puro lovelife yan nasa isip mo".... yeah sounds stupids.. hahha

pero ang mas nagpapaka-SAD sakin ay yung walang nakikinig sayo or maka=USAP, kasi ang gusto nila puro BF nila ang TOPICs,  like their anniversary, dates, ung mga kaaway or kontrabida sa mga love stories nila,, and isa sa mga gusto nilang ulit-ulitin ay yung pano sila nag-meet.. haixt.


tapos ang lakas pa nilang magtanong kung may BF na daw ba ako pag sinabe ko namang WALA ayan na naman sila then tapos yun na paulit-ulit na.. and yet parang na out-of-place kapa..

kaya nga minsan mas gusto kong mag-isa. GUMALA kahit saan-saan lang.

kasi napansin ko, marami pala akong nadidiscover sa paligid ko.

kunware sa EDSA, ang ganda pala ng mga billboards hahha...

ang saya na kahit polluted na dito sa city eh may mga ibon pa sa mga ulap and sometimes butterfly

at may mga magandang places pa pala within the city like rave forest sa pasig.

ang sarap mag-jogging sa umaga at makakita ng mga senior citizen na nag-eexercise.

JUST me... ALONE..
realize that there's MORE out there.





Tuesday, April 1, 2014

letter-later for me

may nabasa ako dati nakasaad dun na isa sa mga magandang gawin  habang wala kang ginagawa o tinatamad ka, you're feeling DOWN ay ang gumawa ng SULAT para SAYO in future after 10-15 years just to give you an idea kung paano mo nakikita ang sarili mo in future

... malay mo baka matupad ko ang AKIN ....   hahaha
kaya ito sinubukan ko lan, wala lang, wala din akong magawa eh hehhe...

hi gen, kamusta ka na?

im sure napaKAsaya na ng life mo, may lovelife, financially freedom at  confident na sa sarili mo..

hahha.. ang galing noh?  kung dati hirap na hirap ka, yung tipong paggising tuwing umaga eh iniisip  mo na kaagad kung anu ang mga dapat mong gawin para guminhawa at ngayon napaka-satisfied muna sa life mo ..

kung dati feeling mo IKAW NA ANG PINAKAPANGET na nilalang sa mundo eh ngayon ang ganda mo na in your own way without the feeling of any doubtness :) and very confident to face the world.
yung tipong kahit may naka-taas na kilay eh wala kang PAKE, isa silang EPAL..
(the part of this letter that i truly nervous about ahhahah)

kung dati SINGLE ka, ngayon ay may LALAKI ka na haha.. ang tagal mong single ahh pero its really worth to wait talaga lalo na yung lalaki na meron ka ngayon ay yung lalaking alam mong nilaan ni PAPA GOD just ONLY for YOU.

kaya siguro ang haba ng panahon ng pagiging single mo ay gusto lang ni Papa God na ienjoy mo muna ang pagiging malaya mo at ienjoy na mag-focus sa mga iba pang bagay-bagay na pwedeng magkapagde-define sa pagkatao mo. Hanggang magsawa ka na  sa buhay SINGLE eh, diba  nga yung single ka pa, puro ka lakwatsa saan-saan at inuman there, here, and inuman everywhere. :p

At ngayon anjan na si Mr. Right .... ahmm actually hindi ko alam ang NEXT.. ahh basta isa lang ang alam ko I WILL LOVE YOU AND KEEP YOU.

kung dati, pulubing-pulubi ka sa pera, eh ngayon ay nagkalat na ang kaperahan mo hahha LOL (feeling masyado) AT HINDI KA NANGANGAMBANG mag-retire ng maaga at makakuha ng mga emergencies funds, salamat na lang kina Sir Bo Sanchez, Francisco Colayco etc., sa mga books nila.. 

At buti na nga lang ay na-isipan kong magbasa ng mga financial-educational books atleast nakatulong iyon sa pag-iisip about saving and investing MONEY.

Tapos ngayon ay BUSINESWOMAN ka pa? aba-aba naman haha (lakas mag-ambisyon haha, Fan kasi akoni ANNE Curtis eh.. heheh)

and lastly to my friends, enemies and to my family, i just wanna say THANK YOU for being there, lagi akong dinadamayan sa lahat ng oras  at nandito pa ako..

to PAPA GOD for being my Savior... of all the things.

di ba nga thru experiences you learn, it  builds your character


see hindi ko pinangarap ang maging Henry Sy, etc., ang gusto ko lang ay yung SAKTO lang, simple yet satisfied and very HAPPY.



TRY mo din. :p

Sunday, March 30, 2014

my Burot Beach experience

Gusto ko lang mag share about what we found and discovered on BUROT BEACH in Calatagan Batangas, we went there last MARCH 8-9, 2014 (overnight). Im sure marami nasa inyo familiar na doon, kung paano makarating (transportation) and some usual views there, sa dami ba namang BLOGs tungkol doon eh, ewan ko lang kung wala ka pa ding info, atsaka yun din yung mga naging sources namin kaya namin nadiscover ang burot beach, at super THANK YOU sa kanilang lahat :p


At first, super na excite ako based on the reviews that I've read, yung tipong habang papalapit yung araw eh pakonti ng pakonti yung oras ng tulog mo 'gang walang tulugan sa mismung araw ng departure nio ng TROPA hahah (#feelingkidkasamasafieldtrip).. lalo na yung nakarating kami dun yung pag sakay namin sa tricycle...

mga na-SIGHTs namin on our way... sayang kulang nga yan ehh..


ANG daming mga MANGROVES po dito on our way sa beach,
 busog ang eyes ko, saya #gift ng kalikasan

kaya kung adventurous ka, walang rayuma
 mag trekking ka, kung feel muh




kakarating pa lang namin ... BAYAD AGAD
(yung TABLE na yan 200 pesos po yan)

MAganda naman po doon, white sand beach (hindi nga lang masyadong pino yung sand, pero super LINaw ng water) yung tipong nasa sasakyan ka pa lang  at matanaw yung beach gusto munang maglibot at magtampisaw.. saya maging BATA hehhe.. at masasabi kong kahit BATA mag-eenjoy kasi kahit nasa malayo ka na eh mababaw pa din yung beach.

yung andun na kami :P 

(sorry naman sa resolution ng mga images, sa CP ko pa ito kuha) tumatanggap po ako ng donations sana DSLR haha joke :p












ito part na ito medyo sa dulo po.. malapit sa beach 2
#feelingdyesebel :p 

feel ko lang i-picture






hehe taba :p tsaka ingat lang po sa sand, karamihan jan mga little corals na nakakasugat sa paa


one of the floating cottages, and ofcourse may bayad sya :)


nakaka-refresh di ba????? is'nt amazing ?? napuntahan namin yung parte sa
BREAKWATER at maganda po doon

Although INGAT lang mga friends kasi marami doong SEA ORCHINS as in GRUPO (Tropang Potchi at BATIBOT) sila, sea weeds, may little snake kaming nakita super cute, nakakatakot nung una pero nawala din agad and ofcourse................

sea orchins, ingat po

CORALS, FISH and STARFISHsssss.... SAYA talaga  :p

starfish.. marami po yan, hindi lang naka-abot sa selfie nila

Transpo...


most of the blogs na nabasa namin, ride the CELYROSA bus, then drop off to the Calatagan Bus Terminal, kung feel ninyong mamili bago dumiretso like YELO, gulay prutas, meat, etc. dont worry mga friends may palengke doon as in walking distance lang, then ride the tricycle going to the BUROT Beach (which cost only 200 pesos).

by the way gusto kong pakilala sa inyo ang mga naging GUIDE namin sa Burot beach sila kuya Jun at kuya RAFI, they are very accomodating and hospitable at alam mung hindi ka ginu-gulangan..

KUYA JUN (09462052027), mabait po talaga sya LOL :p
open po sila sa BOOKING hihi :) 

kuya rafi 0975-2610-081

Pero sa totoo lang nung nakarating ako doon (sa aking opinyon lang po ito, walang kinalaman yung mga kasama ko) i felt some mini-DISSAPOINTMENTs, as in yung mga magandang expectations ko biglang nawala..tulad ng hindi OKAY ung CR nila, mahina ang tubig, minsan walang tumutulong tubig sa hugasan station, masikip ung loob ng CR.. sana man lang nagkalat ang CR doon kasi malaki po yung beach at kawawa naman yung nakapwesto sa dulung-dulo tulad kami at sa burot beach 2 (try ninyo po doon ang ganda din).
pansin ninyo, puro CR ang main concern ni ateh, hahha, ofcourse ganyan kaming mga GIRLALoooo (@_________@)
OU nga si HENRY SY (daw?) ang owner nun pero wag  ng mag-expect na may SM, Hypermarket, etc. doon, but im still impressed kasi super NICE-and-KIND ang mga TAO dun, nakakatawa nga lang pati si manong GUARD may name kami sa kanya, si BENTE (from Ben 10, as in cartoon character) panu kasi lahat na lang may BAYAD. Si manong guard talaga ang naniningil, malamang siya ang bantay eh hahaha.. pero alam ninyo hindi siya nakakainis, nakakatuwa pa nga sya eh.

pero naisip ko..
NANDITO NA AKO.. bakit ko pa iisipan ang puro Kapintasan, ieenjoy ko na lang ang VIEW , minsan lang naman ito 'di ba? atsaka kung kailan ginagawa ko itong blog, saka ko lang yun (burot beach) mas naappreciate, lam mu yung pakiramdam na kahit puro reklamo ka pero pag naiisip at nili-listdown mo na eh mas marami ang maganda kesa sa pangit, saya lang.
Nung pauwe na kami, we decided na mag-VAN na lang kami which cost for ONLY 185 peso(ses) at doon po sa terminal nila in pasay taft

Burot Beach Fees (ito lang ang nagastos namin)


Entrance Fee- 180 (overnight)
Table- 200
200 pesos table

Uling- 15 (okay po ung ULING dito, hindi madaya)
TORCH/sulo (ilaw-ala-survivor)- 70
TENT (rent)- 300 tsaka 20 pesos ang bayad kung magtatayo ka ng sarili mong tent
Bonfire- 200

nga pala, gusto ko lang i-share MASARAP po yung BALAYAN bagoong ISDA, 18 pesos lang, actually BOX-OFFICE po yun sa office heheh.. sa may terminal ng VAN po ako nakabili nun.